FILIPINO 4
I. Isulat sa patlang
kung ang lipon ng mga salita ay parirala,
sugnay o pangungusap.
______________
1. masigasig na nagtatrabaho
______________
2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________
3. kumuha ka ng tubig
______________
4. kung nag-aaral ka
______________
5. tara na
II. Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong.
______ 6. Ang mga (Amerikano) man ay
nanakop din sa Pilipinas.
______ 7. Ang mga (timawa) ay may pag-aari
at hindi naglilingkod bilang alipin.
______ 8. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at
Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
______ 9. Si (Ferdinand Magellan) ang
nakatuklas sa Pilipinas.
______ 10. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo
sa pagbabalik ng mga Amerikano.
B. Isulat sa patlang ang K kung ang pangngalan ay kongkreto. DK kapag di-kongkreto.
_____ 11. tuwalya
_____ 12. kaayusan
_____ 13. Dalamhati
_____
14. bahay-kubo
_____
15. deboto
III. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap
at isulat sa patlang ang PB kung ito
ay pambalana at PT kung pantangi.
_____ 16. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral.
_____ 17. Dentista ang mga magulang niya.
_____ 18. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
_____ 19. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
_____ 20. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng
hapunan.
IV. Palitan ng angkop na panghalip panao
ang mga pangngalang nakasalangguhit. Isulat sa patlang ang sagot.
______________
21. Si Rod at Ali ang maghahatid sa mga bisita.
______________
22. Ako at ang mga kapitbahay namin ang nagtutulungan upang mapaganda
ang aming barangay.
______________
23. Hinahanap ka ni Randy kanina.
______________
24. Baon ko at ni Kuya ang hinahatid ni Kuya Akoy araw-araw.
______________
25. Sasama ka ba at si Ariel sa pamimili mamaya?
B. Isulat sa mga patlang ang kailanan at
panauhan ng mga sumusunod na panghalip.
26.
amin ____________ ____________
27.
kanya ____________ ____________
28.
mo ____________ ____________
29.
siya ____________ ____________
30.
kanila ____________ ____________
D. Salangguhitan ang panghalip sa
pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay palagyo
, paari o paukol.
______________
31. Magtatanim sa amin ang mga magsasaka.
______________
32. Huwag ninyong sirain ang ating kalikasan.
______________
33. Kanilang ibenenta ang mga lumang dyaryo at bote.
______________
34. Nawala ang wallet niya sa Quiapo.
______________
35. Bukas na kita sasamahan sa bayan.
V. Salangguhitan ang mga pandiwang ginamit
sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay perpektibo, imperpektibo o kontemplatibo.
______________ 36. Dumating si
Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong Marso 15, 1512.
______________ 37. Nababagalan ang
pag-unlad ng ating bansa dahil sa colonial
mentality.
______________ 38. Lilibutin namin
ang buong Tagaytay sa bakasyon.
______________ 39. Ipinagbabawal ang
pagkuha sa mga pambansang bantayog.
______________ 40. Kagabi pa tinapos
ng mga bata ang kanilang proyekto sa Filipino.
VI. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang
mga nakasalangguhit na pang-uri.
_____________ 41. Maliit na maliit na ang damit
na yan para sa iyo.
_____________ 42. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad
na.
_____________ 43. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 44. Ubod ng tamis ang natikaman ni
Candice na mangga.
_____________ 45. Singbilis ng humaharurot na sasakyan
ang kabayo.
B. Bilugan ang
pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay: A- panlarawan; B- pamilang;
C- paari; D- pantangi.
_____ 46. Nagpupunta dito sa Pilipinas ang mga Koreano upang
matuto ng wikang Ingles.
_____ 47. Ang aklat ay nasa ika-pitong edisyon na.
_____ 48. Malala na pala ang sakit ni Lolo.
_____ 49. Nanakaw ang bag niya sa Quiapo.
_____ 50. Maputik at gusut-gusot ang polo ni Juice nang
umuwi siya.
VIII. Bilugan ang dalawang
salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.
51. Naging bansang malaya na ang
Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
52. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya ng lalagyan.
53. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.
54. Ang paborito niyang itim na
blusa ay binigay niya sa kaibigan.
55. Masusustansiyang pagkain ang dapat na
kinakain mo upang di ka magkasakit.
IX. Salangguhitan ang wastong pang-ukol
para sa bawat pangungusap.
56. (Laban sa, Tungkol sa, Ayon sa ) batas ang magnakaw.
57. Ang seminar na ginanap ay (para sa, kay, ayon sa) pangangalaga ng
mga endangered na hayop.
58. (Ayon sa , Tungkol sa, Labag sa) mga Kastila, pagpapalaganap ng
Kristiyanismo ang pakay nila sa Pilipinas.
59. Ang balita ay (ayon kay, tungkol kay, hinggil sa) pagpapatalsik kay
Chief Justice Corona.
60. Sinundo ko (kay, ng, sa) kanto ang nakababata kong kapatid.
X. Salangguhitan ang mga pang-abay at bilugan
ang salitang tinuturingan. Sa patlang, isulat ang uri nito.
_____________ 61. Sa tabi ng bahay siya nagtago.
_____________ 62. Sunud-sunod na nagmano ang mga inaanak ni Mang Ben.
_____________ 63. Nanakaw yata ang wallet ko sa bag.
_____________ 64. Ang naani nilang gulay ay kaunti lamang.
_____________ 65. Ayaw kong sumama sa iyo.
_____________ 66. Paiyak na nagsumbong ang batang inaway.
_____________ 67. Dumating na kani-kanina lang ang mga bisita.
_____________ 68. Talagang mahusay na aktor si Nicolas Cage.
B.
Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-abay.
69. pagalit
________________________________________________________________________________
70. tunay
________________________________________________________________________________
71. wala
________________________________________________________________________________
72. gaya
________________________________________________________________________________
XI. Magbigay ng
tatlong halimbawa ng karapatan ng mga bata.
73. ________________________________________________________________________________
74. ________________________________________________________________________________
75. ________________________________________________________________________________
XII. Tukuyin ang mga bahagi ng aklat.
Isulat ang sagot sa patlang.
_______________ 76. Makikita dito ang
mga kahulugan ng mga pili at mahahlagang salitang ginamit sa aklat.
_______________
77. Nakasulat dito ang mga pamagat ng bawat yunit at mga paksang babasahin
kasama ang mga babasahin kasama ang mga pahina kung saan ito matatagpuan.
_______________
78. Nakasaad dito ang pagkakalimbag ng aklat, ang lugar at pangalan ng
palimbagan pati na rin ang tungkol sa pagmamay-ari at karapatang maglimbag.
_______________
79. Nagsasaad ito ng mga paksang
nakaayos nang paalpabeto at ang mga pahina kung saan ito matatagpuan.
_______________ 80. Makikita dito ang layunin
kung bakit sinulat ang aklat.